Truck vs van: 13 sugatan

CAMARINES NORTE, Philippines — Umaabot sa 13-katao ang nasugatan matapos magsalpukan ang truck at van sa bahagi ng Purok 6, Sitio Javier, Brgy. Daguit sa bayan ng Labo, Camarines Norte kamakalawa ng umaga. Kabilang sa mga sugatang lulan ng truck (DEL 266) ay sina Engr. Dennis Ferrer Palado, drayber; Alex Sarion ng Brgy. Camambugan; Jayson Templonuevo ng Brgy Tulay; Rowel Tayoto, Randy Padua, Randy Baylon, Oliver Sigue at si Edmundo Fernandez, pawang nakatira sa San Felipe, Basud, Camarines Norte. Samantala, sugatan din ang driver ng van (RJE 987) na si Ruben Cerdeña, Raul Susano ng Brgy. Laniton; Loida Casungcad, Elvie Dela Cruz at anak na si Ashley na pawang nakatira sa Brgy. Colasi, Mercedes.

Show comments