^

Probinsiya

P.2M nilimas ng akyat-bahay

- Ni Tony Sandoval -

QUEZON, Philippines – Tinangay ng apat na armadong lalaki na kasapi ng Akyat-Bahay Gang ang P.2 milyong cash, alahas at cellphone ng mag-asawang matanda at dalawa nilang anak kamakalawa ng gabi sa Sitio Medina, Barangay Sto. Cristo sa bayan ng Sariaya, Quezon. Patuloy naman ang imbestigasyon ng pulisya upang matukoy ang pagkakakilanlan ng mga suspek na pawang nakasuot ng bonnet nang looban ang bahay ng mag-asawang Agripino Medina, 72; Maria, 69; at mga anak na sina Melchor, 44; at Wendel, 24. Ayon kay PO2 Alnor Tagara, natutulog sa kani-kanilang kuwarto ang mga biktima nang maganap ang panloloob. Iginapos ang mga biktima saka nagha­lughog sa buong kabahayan at kinuha ang cash na P100,000, mga alahas na nagkakahalaga ng P100,000 at tatlong mamahaling cellphone.

vuukle comment

AGRIPINO MEDINA

AKYAT-BAHAY GANG

ALNOR TAGARA

AYON

BARANGAY STO

CRISTO

IGINAPOS

MELCHOR

PATULOY

SITIO MEDINA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with