5 pulis sugatan sa NPA attack
CAMP SIMEON OLA, Legaxpi City, Philippines — Limang pulis kabilang ang deputy chief of police ang nasugatan makaraang tambangan ng mga rebeldeng New People’s Army sa highway ng Barangay San Jose sa bayan ng Caramoan, Catanduanes kahapon ng madaling-araw.
Kabilang sa mga sugatan ay sina P/Inspector Rene Bea, deputy chief of police sa bayan ng Caramoan; PO1 Rene Payonga, PO1 Edcel Brutas, PO1 William Bagasbas at si PO2 Rommel Cardel na pawang naisugod sa Dagta West Hospital.
Naganap ang insidente dakong ala-una ng madaling-araw habang lulan ng patrol car ang mga biktima kung saan tatlo sa mga pulis na hindi nasugatan ay mabilis na nakatalon at nakipagpalitan ng putok sa mga rebelde na kinilalang sina PO1 Jonald Tapanan, PO1 Jonathan Jerusalem at PO1 Jumel Morales.
Lumilitaw na ang mga pulisya ay naghatid ng mga labi ni Nazer Oturbo sa Barangay Milaviga na sinasabing nabaril ng sundalo ng Phil. Army na si Pvt. Richard Paran ng 83rd Infantry Battalion.
Nabatid na minalas pang mahulog sa bangin ang patrol car na nagtamo ng grabeng pinsala.
Inilunsad na ang hot pursuit operations ng pinagsanib na elemento ng Army’s 83rd Infantry Battalion at Caramoran PNP laban sa grupo ng mga rebelde na sangkot sa pananambang.
- Latest
- Trending