Misis pinilahan sa inuman

BULACAN, Philippines – Maging aral sana sa mga kababaihang mahilig makipag-inuman sa grupo ng kalalakihan kung saan isang 29-anyos na misis na nakihalubilo sa inuman ang pinilahan ng tatlong kalalakihan sa Barangay Lawa, Meycauayan City, Bulacan kamakalawa ng gabi. Luhaang dumulog sa himpilan ng pulisya ang biktimang itinago sa pangalang Jane ng Brgy. Pantoc para ireklamo ang mga suspek na sina Ronald Pungtilan, 25; Michael Pungtilan at isang alyas Jhun na pawang nakatira sa nabanggit na barangay. Sa follow-up ope­ration, nadakma naman ng mga tauhan ni P/Supt. Eric Noble sa isa sa mga suspek na si Ronald habang tugis naman ang dalawa. Lumilitaw na pinaunlakan ng biktima ang pakikipag-inuman sa mga suspek kung saan malasing ay isinagawa ng tatlo ang maitim na balak laban sa misis

Show comments