^

Probinsiya

Imahe ni Hesus lumitaw sa alimango

- Ni Francis Elevado -

CAMARINES NORTE, Philippines  – Dinadagsa ngayon ng mga residente ang nabi­ling alimango na lumilitaw ang sinasabing imahe ni Jesus Christ na pinaniniwalaang senyales ng milagro sa Barangay San Roque sa Legazpi City, Albay.

Lumilitaw na nakabili ng alimango si Lilian Antiquerra noong Huwebes kung saan napansin nito na may larawan ng santo na pinaniniwalaang imahe ni  San Roque,  ang patron ng kanilang barangay. 

Sa halip na gawing ulam ay mas minabuti ni Antiquerra na i-preserve ang nasabing alimango kung san inilagay sa kuwadradong salamin upang makita ng mga residenteng bibisita sa kanyang bahay.

Ayon sa ilang matatanda,  may posibilidad na may hatid na mensahe sa kanilang barangay ang paglabas ng mukha ni San Roque sa alimango. 

Nabatid na ang Barangay San Roque ay malapit sa karagatan na isa sa mga pangunahing hanapbuhay ay ang pangingisda. 

Pag-aaralan naman ng Simbahang Katoliko  ang ganitong mensahe ng santo bagama’t ikinagagalak naman ng simbahan na ito rin ang nagsisilbing paalaala upang mas nakikilala ang Panginoon at mapalapit ang mga residente na nakakalimot sa itaas.

ALBAY

ANTIQUERRA

AYON

BARANGAY SAN ROQUE

JESUS CHRIST

LEGAZPI CITY

LILIAN ANTIQUERRA

SAN ROQUE

SIMBAHANG KATOLIKO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with