Magsasaka dinedo sa lamayan

QUEZON  ,Philippines – Napaslang ang isang magsasaka habang malubha namang nasugatan ang kaibigan nito matapos pagbabarilin sa nakikipaglamay sa namatay na kapitbahay sa Villa Aurora sa bayan ng Buenavista, Quezon kamakalawa ng madaling-araw. Nagtamo ng mga tama ng bala ng baril sa ibat-ibang parte ng katawan si Eronnie Alim samantalang patuloy na ginagamot sa Bondoc Peninsula Dsitrict Hospital si Tirso Elacion dahil sa tama sa batok. Ayon kay PO2 Eduardo Oronan, nakaupo ang magkaibigan habang nakikipaglamay sa isa nilang namatay na kapitbahay nang ratratin ng ‘di-pa kilalang lalaki na nakapuwesto sa madilim na bahagi ng bahay. Patuloy naman ang imbestigasyon.

Show comments