Magbayaw kinatay, ibinaon

QUEZON, Philippines — Karumal-dumal na kamatayan ang sinapit ng magbayaw makaraang pagtatagain ay pagbabarilin pa ng tatlong lalaki  saka ibinaon sa lupang pinag-aagawan sa Barangay Lakdayan, sa bayan ng San Narciso, Quezon kamakalawa.

Kinilala ng pulisya ang magbayaw na Peregrino Mendevil, at Allan Menes na kapwa magsasaka.

Naaresto naman ang dalawa sa tatlong suspek na sina Arturo Otchia at Alfredo Otchia habang tugis pa si Freddie Nicol.

Ayon kay SPO1 Rexie Aman Callejo, noong Huwebes ng Agosto 25 ay nagtungo sa himpilan ng pulisya ang misis ni Pereg­rino upang ipa-blotter ang pagkawala ng dalawa.

Sa salaysay ng nag-iisang testigo sa krimen, nasaksihan nito ang ginawang pamamaslang sa magbayaw saka ibinaon sa may 9-talampakang lalim.

Sa follow-up operation sa tulong ng militar ay na­dakma ang suspek na si Arturo kung saan itinuro na rin nito ang pinagbaunan sa mga biktima sa lupang matagal na nilang pinag-aawayan.

Natagpuang ang mga labi ng magbayaw na nasa state of decomposition kung saan ang pinaglibingan ay tinakpan ng mga bunot ng niyog, dahon ng saging at mga bato upang itago ang krimen.

Show comments