P5M ari-arian tinupok ng apoy

CAMARINES NORTE ,Philippines  — Umaabot sa P5 milyong halaga ng ari arian ang naabo sa naganap na sunog sa bisinidad ng Sta. Cruz Street, Barangay Poblacion sa bayan ng Paracale, Camarines Norte kamakalawa ng hapon. Sa police report na nakarating sa Camp Wen­ceslao Q. Vinzons Sr., nagsimula ang sunog bandang alas-4 ng hapon kung saan nagsimula ang apoy sa ikaapat na palapag ng tindahan na pag-aari ni Ireneo Deolata. Nadamay sa sunog ang Hyundai van may plakang WP 402 at motorcycle na nasa garahe ng pamilya Deolata kung san nasunog din ang bahay na pag-aari ni Lorenzo Moreno Jr. Kaagad naman sumaklolo ang mga pamatay-sunog mula sa mga bayan ng Daet, Basud, Labo at Jose Panganiban kung saan idineklarang fire out ganap na alas-6 ng gabi. 

Show comments