3 holdaper arestado

BULACAN, Philippines — Tatlong kalalakihan na pinaniniwalaang sangkot sa holdapan sa pampasaherong jeepney ang nasakote ng pulisya sa inilatag na follow-up operation sa Barangay Pandayan, Meycauayan City, Bulacan kama­kalawa ng umaga. Kinilala ni P/Senior Supt.Fernando Mendez­ Jr. ang mga suspek na sina Reynaldo Tan, 35, ng Brgy. Pitong Gatang; Balyn Gaducos ng Brgy. Dangaro, Navotas City at si Lester Diaz, 26, ng Pag-asa lV, Brgy. Malhacan, Meycauayan City. Base sa ulat ni P/Supt. Eric Noble, ang mga suspek ay inireklamo ng mga pasahero ng jeepney (DFZ-576 ) na nang holdap sa kanila.

Show comments