Mister nairita, nagbigti
CAMARINES NORTE, Philippines — Pinaniniwalaang hindi na nakayanan ng isang 38-anyos na mister ang madalas na pag-aaway nilang mag asawa kaya nagdesisyong magbigti sa loob ng kanilang kuwarto sa Purok 1, Barangay 6 sa bayan ng Mercedes, Camarines Norte kamakalawa ng hapon. Sa police report na nakarating kay P/Senior Supt. Roberto B. Fajardo, huling namataang buhay si Concordio Obarco na nakikipagtalo sa kanyang misis mula sa pakikipag-inuman ng alak sa kapistahan ng Barangay San Roque. Natagpuan ni Mila Arnaldo ang nakabiting katawan ng kanyang manugang sa kisame ng kanilang bahay.
- Latest
- Trending