Suspek sa masaker nadakma
CAVITE, Philippines – Bumagsak na kahapon sa kamay ng operatiba ng pulisya ang isa sa dalawang suspek sa pagmasaker sa tatlong sibilyan kamakalawa ng tanghali sa Barangay Bucal sa bayan ng Silang Cavite. Kinilala ang suspek na si Anthony Guamen na naaresto sa bahagi ng Batasan Hills sa Quezon City habang tugis naman ang pinsang nitong si Butch Valenton. Sa tala ng pulisya, ang mga suspek ay isinasangkot sa pamamaslang kina Rosky Piojo, 25, stay in helper; Joseph “EJ” Valenton, 7; at ang yaya nito na si Joy sa loob ng resthouse na pag-aari ng ama ng batang Valenton.
- Latest
- Trending