^

Probinsiya

Basted sa panliligaw, nag-suicide

- Joy Cantos -

MANILA, Philippines - Dahil sa hindi matanggap na kabiguan sa unang pag-ibig, winakasan ng isang 15-anyos na binatilyo ang kaniyang buhay matapos itong uminom ng lason (cyanide) sa bayan ng Ma­ngaldan, Pangasinan kamakalawa.

Sa police report na nakarating sa Camp Crame, itinago sa pangalang Marvin ang biktima na estudyante ng  Mangaldan National High School at nakatira sa Brgy. Embarcadero.

Lumilitaw na bago ang pagpakamatay ay pinagalitan ng kanyang mga magulang ang biktima matapos damdamin ang pagkabasted sa kanyang nililigawan.

Nang makaalis ang mga magulang ay saka naman nagpakamatay ang biktima na nasaksihan pa ng kaniyang kapatid na halos natulala sa matinding pagkabigla.

Base sa salaysay ng kapatid, nakita pa niyang inihalo ng biktima ang cyanide sa juice at ininom kamakalawa.

Ilang saglit pa ay namilipit sa sakit ng tiyan, tumirik ang mata at bumula ang bibig ng biktima kaya naman isinugod sa ospital pero namatay din.

BRGY

CAMP CRAME

DAHIL

ILANG

LUMILITAW

MANGALDAN NATIONAL HIGH SCHOOL

MARVIN

NANG

PANGASINAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with