Mag-utol nalunod sa ilog

BULACAN, Philippines – Kamatayan ang sumalubong sa mag-utol na bata matapos malunod sa ilog kamakalawa sa Barangay Citrus, San Jose Del Monte City, Bulacan kama­kalawa. Kinilala ng pulisya ang mga nasawi na sina Quintina Mae Minguita, 5; at Bonifacio Minguita Jr., 3, kapwa nakatira sa nasabing barangay. Ayon kay PO2 Rodel Alcantara, huling namataang buhay ang mag-utol na naglalakad sa gilid ng ilog kung saan biglang bumuhos ang ulan. Natagpuan ang mga labi ng mag-utol na nakalutang sa ilog na sakop ng Barangay Catmon sa bayan ng Sta. Maria. May teorya ang pulisya na nadulas ang dalawa bago nahulog sa tubig.

Show comments