^

Probinsiya

Plantasyon ng tubo sinunog ng NPA

-

ILAGAN, Isabela, Philippines – Sinunog ng mga rebeldeng New People’s Army ang plantasyon ng tubo na sinasabing nagtutustos ng materyales sa kontrobersyal na Bio Ethanol Plant sa Barangay Del Pilar sa bayan ng San Mariano, Isabela noong Miyerkules ng umaga.

Itinaon ng mga rebelde ang pananabotahe sa pagbisita ni Lt. Gen. Reynaldo Mapagu sa Camp Melchor Dela Cruz kung saan idaraos ang graduation exercise.

Sa sketchy report na ipinalabas ni P/Senior Insp. Ruby Capinpin, hepe ng pulisya sa San Mariano, sinunog ng mga rebelde sa pamumuno nina Joey Ramos alyas Ka Jerome at Michael Erana alyas Ka Poktong ang malaking tractor na pag aari ng multinasyonal na Ecofuel Land Development Incorp.

Pinababa ng mga rebelde ang operator ng tractor na si Rogelio Bulan saka ito sinunog sa kanyang harapan.

Ang nasabing korporasyon ay nangunguna sa pagsasa-ayos ng mga dating forest land upang gawing taniman ng tubo na masidhing binabatikos ng mga radikal na grupo.

Ayon sa grupong Danggayan Dagiti Mannalonti Isabela (DAGAMI), inaakusahan nito ang pamahalaan panlalawigan sa usapin ng pa­ngangamkam ng lupain sa kalbong dating logging area sa San Mariano. Raymund Catindig at Victor Martin

BARANGAY DEL PILAR

BIO ETHANOL PLANT

CAMP MELCHOR DELA CRUZ

DANGGAYAN DAGITI MANNALONTI ISABELA

ECOFUEL LAND DEVELOPMENT INCORP

ISABELA

JOEY RAMOS

KA JEROME

KA POKTONG

SAN MARIANO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with