2 holdaper nadakma

BULACAN, Philippines - Rehas na bakal ang binagsakan ng dalawang lalaki na pinaniniwalaang mga holdaper makaraang masakote ng mga barangay tanod sa bayan ng Marilao, Bulacan kamakalawa ng hapon. Pormal naman kinasuhan ni P/Senior Supt. Fernando Mendez Jr. ang mga suspek na sina Raffy Go, 25, vendor, ng Wawa Compound, Alabang, Muntinlupa City at Mico Salonga, 22, ng Brgy. Saluysoy, Meycauayan City, Bulacan. Nasamsam sa mga suspek ang dalawang baril at motorsiklo (XQ2078) na ginamit sa panghoholdap sa biktimang si Thomas Mirasol, 25, ng Brgy. Lambakin. Base sa police report, papauwi na si Mirasol nang harangin at holdapin ng dalawa. Kaagad naman naipaabot ng biktima sa ilang barangay tanod na nagroronda kaya nasakote ang mga suspek bago dinala sa pulisya.

Show comments