Mag-asawa natusta sa sunog

MANILA, Philippines - Natusta  sa sunog ang mag-asawa makaraan makulong sa kanilang bahay na nasusunog sa Muñoz Science City, Nueva Ecija noong Martes ng madaling-araw. Kinilala ang mga nasawi na sina Marcos Urbano at Imelda Urbano na kapwa 58-anyos  at nakatira sa Teachers Village,  Barangay Poblacion South. Sa pagsisiyasat ng mga arson investigator, nakulong ang mag-asawa sa kanilang silid tulugan kaya hindi kaagad nakalabas ng bahay. Nabigo namang mailigtas ng mga kapitbahay ang mag-asawa dahil masyado ng malaki ang apoy. Ang sunog ay tumagal lamang ng 30-minuto na tumupok sa buong kabahayan.

Show comments