Nene ni-rape, itinapon sa sapa

QUEZON, Philippines - Napagtripang gahasain muna ang isang 11-anyos na batang babae saka sinaksak at pinukpok ng bato sa mukha hanggang sa mapatay ng isang ’di-pa kilalang lalaki na sinasabing lango sa bawal na droga bago itinapon sa sapa sa Barangay Mainit Norte sa bayan ng Perez, Quezon kamakalawa ng hapon. Itinago ang pagkakakilanlan ng biktima sa alyas Nilda, Grade V pupil at nakatira sa Barangay Poblacion. Natagpuang ng isang concerned citizen ang bangkay ng biktima na nakalutang sa sapa kung saan nakasuot ng t-shirt at walang saplot sa pang-ibabang bahagi ng katawan. Patuloy naman ang imbestigasyon ng pulisya.

Show comments