^

Probinsiya

2 holdaper tumba sa shootout

- Ni Mer Layson -

RIZAL, Philippines — Sementeryo ang binagsakan ng dalawang lalaki na sina­sabing notoryus na holdaper ma­karaang makipagbarilan sa mga alagad ng batas sa Antipolo City, Rizal kamakalawa ng hapon. 

Ayon kina ni PO3 Nelson Lequin at PO2 Jeare Agra, bago sumiklab ang shootout ay hinoldap ng dalawang di-kilalang lalaki ang biktimang si Mary Grace Salvador ng Brgy. Sta. Cruz habang na­mimili sa palengke sa Brgy. dela Paz.

Kaagad namang nakarating sa himpilan ng pu­lisya ang reklamo ni Salvador kaya inilatag ang checkpoint kung saan namataan naman ang da­lawa na lulan ng motorsiklo. Nabatid na nag u-turn ang motorcycle-riding gunmen matapos makita ang inila­tag na checkpoint ng pulisya kaya sila hinabol ng mga awtoridad.

Dito na pinaputukan ng dalawa ang humahabol na mga pulisya hanggang sa nauwi sa shootout sa bahagi ng Brgy. San Luis.

Narekober ang bag, P700 at cell phone ni Salvador sa tabi ng bangkay ng dalawa, maging ang isang baril, pen gun, toy gun at mo­torsiklong may plakang PB 9237.

Kasalukuyang binebe­ripika ang pagkakakilanlan ng dalawa.

vuukle comment

AGRA

ANTIPOLO CITY

AYON

BRGY

CRUZ

DITO

MARY GRACE SALVADOR

NELSON LEQUIN

SAN LUIS

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with