3 tugis sa murder case

NOrzagaray, Bulacan ,Philippines  — Naglunsad na kahapon ng malawakang manhunt operation ang pulisya laban sa tatlong salarin na natukoy na nasa likod ng brutal na pagpatay sa isang matandang lalaki at isang 18-anyos na ina na itinapon ang mga bangkay sa talahiban ng Brgy. Bitungol sa bayang ito noong Martes ng gabi. Ayon kay Bulacan Provincial Police Office (PPO) Director P/Sr. Supt. Fernando Mendez Jr. ito’y matapos na maisampa na sa piskalya ang kasong double murder laban sa mga magkakamag-anak na suspek na sina Reynaldo, Victor at Michael Gervacio; pawang tubong Tondo, Manila at residente ng Brgy. Assumption, Area 1, Sapang Palay, San Jose Del Monte City, Bulacan. Ang naturang suspek ang itinuro ng testigo na responsable sa brutal na pagkamatay sa mga biktimang sina Reynaldo Fullosco 60, kawani ng Land Management Bureau, residente ng Antipolo St.at Sharmaine Santos 18, single parent, residente ng Gen.Lucban St. pawang sa Gagalangin, Tondo, Manila. Nakaligtas naman sa insidente ang 2-anyos na batang lalaki na si Sherwin Santos na iniwang umiiyak sa damuhan.  

Show comments