Truck vs water tank: 1 dedo
MANILA, Philippines - Isa katao ang kumpirmadong nasawi habang pito pa ang nasugatan makaraang aksidenteng magbanggaan ang isang truck at water tank ng Leyte Metropolitan Water District (LMWD) sa kahabaan ng Maharlika highway ng Brgy. Abucay, Tacloban City nitong Biyernes ng gabi. Ang biktimang si Richard Tolibas , residente ng Pastrana, Leyte ay idineklarang dead-on-arrival sa Eastern Visayas Regional Medical Center. Patuloy namang nilalapatan ng lunas sa pagamutan ang 7 pang biktima na pawang nagtamo ng mga sugat sa iba’t ibang bahagi ng katawan na kinilalang sina Marlon Devaras, Elvis Astorga, Alvin Real, Enrique Torebio, Catherine Pelenio, Gretchen Suarez at Kenneth Caidic. Ayon kay Tacloban City Police Director P/Sr. Supt. Wilson Caubat, bandang alas-9:15 ng gabi habang bumabagtas sa lugar ang Fuso canter cargo truck (YAS-376) na minamaneho ni Rommel Gutierrez, 21, ng Janika Food Center na pag-aari ng negosyanteng si Robert Gosyco nang banggain ito ng Isuzu forwarder water tank (XBF-825 na minamaneho naman ni Brian Dave Reposar, 32-anyos. Ang mga biktima ay pawang manggagawa sa naturang food chain. Inaresto naman ng pulisya ang driver ng water tank na nakapiit ngayon sa detention cell ng Tacloban City Jail.
- Latest
- Trending