Mister itinumba

CAVITE ,Philippines  —Pinagbabaril hanggang sa mapatay ng tatlong hindi pa nakilalang mga armadong salarin ang isang mister sa harapan ng anim na taong gulang nitong stepdaughter kamakalawa ng gabi sa Brgy. Burol Main, Dasmariñas City. Kinilala ng pulisya ang biktima na si Nepthale Omes Jr. nasa hustong gulang, obrero sa konstruksiyon at residente ng Emerald St., Villa Isabel Subd. Brgy. Burol Main ng lungsod. Batay sa isinagawang imbestigasyon ni PO2 Reynald Afable may hawak ng kaso, bandang alas-7:40 ng gabi ng sumulpot sa lugar ang tatlong suspek, isa rito ay babae na magkakaangkas sa motorsiklo na walang plaka. Nang matiyempuhan ang biktima ay agad itong pinagbabaril hanggang sa duguang bumulagta na nasaksihan ng 6-anyos nitong stepdaughter na si Joanna Pabuya.

Show comments