Quezon PNP hinirang na pinaka-best sa bansa

CAMP GUILLERMO NAKAR, Lucena City, Philippines — Nahirang na pinakamahusay sa hanay ng PNP ang Quezon Police Provincial Office (QPPO) bilang Best Police Provincial Office at ang Quezon Provincial Public Safety Company (QPPSC) bilang Best Provincial Public Safety Company sa buong bansa para sa 2010.

Ang QPPO na nasa pamumuno ni P/Senior Supt. Ericson Talavera Velasquez at ang QPPSC naman ay nasa pangunguna ni P/Supt. Hansel Matamis Marantan ay pinarangalan kahapon ni Pangulong Benigno Aquino III sa pagdiriwang ng ika-110th Police Service Anniversary.

Maging si P/Senior Supt. Velasquez ay pinarangalan bilang Best Senior Police Commission Officer for Operation.

May temang “Sandaang Taon at Sandekadang Paglilingkod ng Kapulisan Kaagapay ang Sambayanan Tungo sa Matuwid na Daan” ang nasabing anibersaryo na ginanap sa Camp Crame, Quezon City noong Agosto 8, 2011.

Dumalo sa pagdiriwang ay sina DILG Secretary at NAPOLCOM Chairman Jesse M. Robredo at Director General Raul M. Bacalzo na kabilang sa nagbigay ng parangal sa mga pulis na nagpamalas ng kanilang natatanging paglilingkod sa larangan ng administrasyon at operasyon ng PNP na may kaugnayan sa Integrated Transformation Program. Michelle Zoleta at Tony Sandoval

Show comments