20 NPA sugatan sa military attack

MANILA, Philippines - Aabot sa 20 rebel­deng New People’s Army ang iniulat na nasugatan kabilang ang dala­wa sa  limang nasakote makaraang salakayin ng tropa ng Philip­pine Army ang pinagkukutaan ng mga rebelde sa kagubatan ng Barangay Aragon sa bayan ng Cateel, Davao Oriental noong Sabado ng madaling-araw.

Kinilala ni Army Chief Lt. Gen. Arthur Ortiz ang ilan sa mga nasakoteng NPA na sina Roel "Ka Fel" Albarca, Jomar "Ka Teddy" Balagulan, Rosalie "Ka Abby" Rosales na kapwa miyembro ng  NPA Timbaking Squad Se­gunda; Ryan "Ka Boboy" Ombaogan at si Ramilo Peroy Jr.

Nabatid na nasorpresa ang mga rebelde na kasalukuyang nag-aalmu­sal nang salakayin ng tropa ng 4th Scout Ranger Company.

Base sa impormasyong ipinarating ng mga ground commander, aabot sa 20 rebelde ang nasugatan sa nasabing operasyon kung saan grabe ang kalagayan ng ilan sa mga ito.

Show comments