CAMARINES NORTE, Philippines — Napaaga ang salubong ni kamatayan sa isang 47-anyos na barangay tanod makaraang ratratin ng mga di-pa kilalang lalaki habang ito ay dumudumi sa madamong bahagi may ilang metro lamang ang layo sa kanilang tahanan sa Sitio Simborisan, Brgy Reyes sa bayan ng Ragay, Camarines Sur kamakalawa ng gabi.
Nabatid na papauwi na ang biktimang si Daniel Ebora nang makaramdam ng tawag ng kalikasan kaya minabuti dumumi sa madamong lugar. Subalit hindi akalain ng biktima na ito na ang kanyang huling pagdumi makaraang pagbabarilin kung saan natagpuan itong patay na nakababa pa ang kanyang pantalon. Sinisilip naman ng pulisya ang anggulong may kinalaman sa kasong pagpatay na kinakaharap ng biktima may dalawang taon na ang nakalipas.