^

Probinsiya

Clan war: 8 MILF dedo, 200 pamilya lumikas

- Joy Cantos -

MANILA, Philippines - Walong miyembro ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) ang iniulat na napatay habang  aabot naman sa 200 pamilya ang lumikas  matapos sumiklab ang bakbakan ng magkalabang angkan ng mga rebelde sa bayan ng Datu Piang, Maguindanao kamakalawa.

Ayon kay Army’s 6th Infantry Division spokesman Col. Prudencio Asto, bandang alas-3 ng hapon nang magsimulang sumiklab ang sagupaan sa Barangay Balanakan sa pagitan ng grupo nina Commander Adzmie ng 106th Base Command ng MILF at ni Comman­der Abunawas ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters.

Lumilitaw na apat ang nalagas sa grupo ni Commander Adzmie habang dalawa naman sa grupo ni Abunawas.

Samantala, hindi naman nabatid ang bilang ng sugatan sa magkalabang grupo.

Aabot naman sa 200 pamilya ang napilitang lumikas sa takot na maipit sa bakbakan kung saan ang mga ito ay kinakanlong ngayon sa Gumbay Ele­mentary School sa Barangay Buayan.

Kaugnay nito, umalerto naman ang tropa ng militar upang mapigilan ang posible pang pagdanak ng dugo sa pagitan ng grupo nina Adzmie at Abunawas.

vuukle comment

ABUNAWAS

BANGSAMORO ISLAMIC FREEDOM FIGHTERS

BARANGAY BALANAKAN

BARANGAY BUAYAN

BASE COMMAND

COMMANDER ADZMIE

DATU PIANG

GUMBAY ELE

INFANTRY DIVISION

MORO ISLAMIC LIBERATION FRONT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with