CAINTA, Rizal ,Philippines — Nalansag ng pulisya ang sinasabing grupo ng Dura-Dura Gang makaraang madakip ang anim nitong miyembro kabilang na ang kanilang lider kamakalawa ng hapon sa bayan ng Cainta, Rizal.
Kabilang sa mga kinasuhang suspek ay sina James Baldonza, 22, lider ng grupo; Ronnel Evangelista, 22; Brando Lasala, 22; Almar Ali, 30; Arnold Cutamura, 27, pawang nakatira sa Planters Village, Floodway, Brgy. San Juan, at si Alfredo Madronio, 45, ng Purok Mansanas, Taytay. Lumilitaw na biniktima ng grupo ang ilang pasahero ng jeepney kabilang na si Lilibeth Cruz na natangayan ng P20,000. Istilo ng grupo na sumigaw na may dura ang damit ng isa sa mga pasahero saka sasamantalahing manggulo at pasimpleng pagnanakawan ang mga pasahero.
Sa follow-up operation ay nadakma ang mga suspek sa loob ng mall sa Cainta Junction.