^

Probinsiya

Mag-utol nilamon ng putik

- Joy Cantos -

MANILA, Philippines - Kalunus-lunos na ka­matayan ang sinapit ng mag-utol na bata matapos matabunan ng tone-toneladang putik sa kabundukan na gumuho dahil sa kasagsagan ng ulan dulot ng bagyong Kabayan kamakalawa ng madaling-araw sa quarry site sa Sitio Abatan, Barangay Lincod sa bayan ng Maribojoc, Bohol.

Kinilala ng National Di­saster Risk Reduction and Management Council ang mga namatay na sina Junrey Potat, 4; at Princess Joy Potat, 2, kapwa narekober ng search and rescue team ang mga labi mula sa makapal na putik.

Isinugod naman sa ospital ang apat na sugatang sina  Jimmy Tirol, 30; Ronel Agot, 21, at ang mga magulang ng mag-utol na sina Marites Potat, 20; at Bonifacio Potat, 24.

Nabatid na magkakasamang natutulog ang pamilya Potat at ang dala­wang manggagawa sa makeshift shelter sa basement ng quarry site nang bumigay ang lupa mula sa bundok sa nasabing barangay.

Sinasabing ang lugar ay pag-aari ng negosyanteng si Nomiriano Almene ng Brgy. Cabawan, Maribbojoc kung saan aabot sa P .5 milyong halaga ang pinsala ng landslide sa quarry.

vuukle comment

BARANGAY LINCOD

BONIFACIO POTAT

JIMMY TIROL

JUNREY POTAT

MARITES POTAT

NATIONAL DI

NOMIRIANO ALMENE

PRINCESS JOY POTAT

RISK REDUCTION AND MANAGEMENT COUNCIL

RONEL AGOT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with