12 taong kulong vs drug pusher

MALOLOS CITY, Bulacan, Philippines  — Pagkabilanggo ng 12 hanggang 13 taon ang iginawad na parusa sa isang inmate na babae makaraang mapatunayang nagtangkang magpuslit ito ng isang sachet ng shabu sa loob ng panlalawigang kulungan dito.

Bukod dito ay pinagbabayad din ni Hon. Judge Albert Fonacier ng Regional Trial Court Branch 76 ng kalahating mil­yong piso para sa danyos si Cristina Agapito 40 alyas Bing na pansamantalang nakakulong sa Bulacan Provincial Jail na may kinasasangkutang kaso hinggil sa droga. Base sa apat na pahinang desisyon ng kor­te naganap ang insidente nuong Hunyo 28, 2004 sa bisinidad ng naturang kulungan habang ipapasok siya sa kulungan para sa mga babaeng detenido sa tulong ng isa pang babaeng trustee upang kapkapan ang mga dalang kagamitan nito ay napansin ng prison guard na si Benildo De Chavez ang kakaibang ikinikilos nito at nakunan ito ng droga.

Show comments