^

Probinsiya

3-anyos utas sa baril ng ama

- Joy Cantos -

MANILA, Philippines - Sementeryo ang binagsakan ng isang 3-anyos na batang lalaki matapos tamaan ng bala ng baril na pinag­laruan nito sa Barangay Canamokan sa bayan ng Compostela, Cebu kamakalawa ng gabi.

Idineklarang patay sa Danao City Hospital sa tinamong tama ng bala  ng cal. 38 revolver sa kaliwang dibdib si Vincent Tirado.

Ayon sa imbestigasyon, naiwan sa bahay ang biktima at nakatatanda nitong kapatid na 10-anyos matapos na umalis ang kanilang mga magulang na sina Teodoro at Melita Tirado na nagtungo sa kapitbahay.

Lumilitaw na naglaro ang biktima at sa sobrang kalikutan sa paglulukso nito sa kama ng kaniyang mga magulang ay namataan ang baril na may limang bala na nakatago sa unan ng kaniyang ama.

Sa pag-aakalang laruan ay pinaglaruan ng bata ang baril kung saan umali­ngawngaw ang malakas na putok na sumapul sa dibdib ng biktima.

Napatakbo ang mga magulang nito mula kapitbahay bunga ng insidente kung saan nagawa pang isugod ang bata sa ospital pero nabigo ng maisalba ang buhay.

Isinailalim sa ballistic examination ang nasabing baril at iniimbestigahan naman ang mga magulang sa posibleng pananagutan sa pagkamatay ng kanilang anak.

vuukle comment

AYON

BARANGAY CANAMOKAN

CEBU

COMPOSTELA

DANAO CITY

IDINEKLARANG

ISINAILALIM

MELITA TIRADO

VINCENT TIRADO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with