10 dedo sa Bicol flashflood

MANILA, Philippines - Umaabot sa sampu-katao ang iniulat na nasawi kabilang ang tatlong nali­bing ng buhay sa pananalasa ng bagyong Juaning na nagdulot ng malawakang flashflood at landslide sa Bicol Region kahapon.

Sa ulat na ipinarating kahapon ni Albay Governor Joey Salceda, sinabi ni National Disaster Risk Reduction and Management Council Executive Director Benito Ramos, tatlo sa mga nasawi ay natabunan ng landslide sa Brgy. Gabon, Polangui, Albay.

Kinilala ang mga nasawi sa landslide sa Baragnay Gabon sa bayan ng Polangui , Albay na ang magkakapatid na sina Josh Corteza, 4; Nicole, 7; at si Bernard.

Nakilala naman ang nadaganan ng puno ng buri ang bahay sa Brgy. Basicao, Pioduran na si Demetrio  Nace at 3-anyos nitong anak  sa naganap na insidente dakong alauna ng madaling-araw kahapon.

Ayon sa opisyal, lumubog rin sa tubig-baha ang ilang barangay sa lalawigan ng Albay kung saan kinailangang ipatupad ang force evacuation sa 107,983 residente.

Isa si Demetrio Nacio ang natodas matapos na madaganan ng punung kahoy ang bahay sa Basicao Costa sa bayan ng Pioduran, isa ang nakur­yente sa Tiwi at dalawa pang nalunod mula rin sa bayan ng Pio Duran.

Sa phone interview, kinumpirma naman ni P/Senior Supt. Victor Deona, bandang alas-10 ng umaga kahapon ay kumpirmadong nasawi si Noel Angeles, 49, matapos madaganan ng poste ng kuryente sa Barangay Peñafrancia, bayan ng Jose Panganiban, Catanduanes.

Namatay naman si Rolando Angelo, 45, sa Sagrada River, Bagamanoc, Catanduanes.

Tatlo namang mangi­n­gis­da ang ijniulat na nawawala sa bayan ng Rapu-Rapu, Albay kung saan nakilalang sina Emer Abat, 37; Elmer Balmaceda, 23; at si Salvador Dungaran na pumalaot pa simula kamakalawa ng hapon.

Samantala, 14-namang mangingisda ang nawawala at isa ang nasagip matapos na lumubog ang bangkang pangisdang MB Kimrick sa karagatan malapit sa Balesin Island kahapon ng umaga.

Inihayag pa ng opisyal na natagpuan na rin ang anim sa 7-mangingisda na napaulat na nawawala sa Eastern Samar.

Kinilala ang mga nasawi sa landslide sa Baragnay Gabon sa bayan ng Polangui , Albay na ang magkakapatid na sina Josh Corteza, 4; Nicole, 7; at si Bernard.

Sa ulat ni Office of Civil Defense Region V Director Raffy Alejandro na pitong bayan sa lalawigan ng Camarines Sur ang lubog sa tubig-baha.

Samantala, sa Albay ay halos lahat ng lugar ay lumubog sa tubig-baha mula Legaspi City patungong lalawigan ng Camarines Sur at hindi rin madaanan ang Tabaco City.

Show comments