2 todas sa plane crash

Manila, Philippines - Dalawa-katao kabilang ang Pinoy instructor pilot ang nasawi makaraang bumagsak ang single-engine Cessna plane sa bahagi ng Sitio Talimundok, Barangay Sta. Maria sa bayan ng Magalang, Pampanga noong Biyernes ng gabi. Kinilala ang mga namatay na sina Christian de Leon at Tian Yu Wong, Malaysian student pilot.? Nabatid kay Captain Amado Soliman ng  Aircraft Accident Investigation Board of the Civil Aviation Authority of the Philippines, nagsasanay ang Malaysian student kasama si De Leon lulan ng Cessna plane 152 nang biglang huminto sa ere ang makina saka tuluyang bumagsak. Samantala, wala ring natanggap na distress call ang control tower base sa Pampanga  bago pa bumagsak ang eroplano. Patuloy naman ang imbestigasyon.

Show comments