Mag-utol nilamon ng tubig
SANTIAGO CITY, Isabela, Philippines – Kamatayan ang sumalubong sa mag-utol na mag-aaral sa elementarya matapos malunod sa dike sa Barangay Santa Rita sa bayan ng Paoay, Ilocos Norte noong Sabado ng umaga (Hulyo 15). Kinahapunan ng Sabado natagpuan ang bangkay ng mag-utol na sina Henelyn Joy Oamersa, 9, Grade 4 at Mark Anthony Oamersa, 7, Grade 2. Ayon sa ulat, namataan ang magkapatid na naliligo sa nasabing dike subalit nabigong makauwi kaya hinanap ng kanilang ama kung saan natagpuang nakalutang sa malalim na dike. Napag-alaman na ang ina ng mag-utol na bata ay nasa ibang bansa bilang OFW.
- Latest
- Trending