^

Probinsiya

Misis minartilyo sa ulo ng mister

- Ni Boy Cruz -

BULACAN, Philippines  – Kasalukuyang nakikipaglaban kay kamatayan ang isang 25-anyos na misis na sinasabing nagselos makaraang martilyuhin sa ulo ng kanyang mister sa loob ng kanilang tahanan sa bayan ng Obando, Bulacan kahapon ng madaling-araw.

Naisugod sa Bulacan Medical Center sa Malolos City ang biktimang si Pia Llagas, habang tugis naman ng pulisya ang suspek na si Ronald Llagas, 29, kapwa nakatira sa Barangay Panghulo sa bayang nabanggit.

Lumilitaw sa imbestigasyon ni P/Chief Insp. Lorenzo Paynor, magka­tabing natutulog ang mag-asawa nang biglang tumunog ang celpone ni mister kaya nagising at inusisa ng misis.

Dahil sa matinding selos ay kaagad na ginising ng biktima ang naalimpungatang mister para alamin ang pagkakakilanlan ng pinanggalingan ng text message mula sa hindi kilalang babae na sinasabing kare­lasyon ng suspek.

Nauwi sa matinding pagtatalo ang nadiskubreng text message mula sa kalaguyong babae ng suspek kaya naganap ang krimen.

Matapos ang insidente ay ikinandado ng suspek ang pintuan ng kanilang bahay upang hindi makalabas ang biktima, subalit narinig naman ng ilang kapitbahay ang naghihingalong palahaw ng babae kaya nasak­lolohan.

BARANGAY PANGHULO

BULACAN

BULACAN MEDICAL CENTER

CHIEF INSP

DAHIL

KASALUKUYANG

LORENZO PAYNOR

MALOLOS CITY

PIA LLAGAS

RONALD LLAGAS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with