^

Probinsiya

Ina ginilitan ng anak

- Joy Cantos -

MANILA, Philippines - Nilaslas ang leeg at pinagsasaksak hanggang sa mapatay ng isang anak ang kanyang ina na may diperensiya sa utak sa isang liblib na lugar sa ba­yan ng  Calatrava, Negros Occidental kamakalawa.

Dead-on-the-spot ang biktimang si Egliceria Guipo, habang boluntaryo namang sumuko sa mga awtoridad, ilang oras matapos maganap ang krimen ang anak nitong si Balbino, 23.

Sa ulat na nakarating kahapon sa Camp Crame, naganap ang insidente sa tahanan ng pamilya Guipo na matatagpuan sa Sitio Palala, Brgy. Marcelo sa bayan ng Calatrava dakong alas-7 ng umaga.

Ayon sa mga imbestigador nagkaroon ng pagtatalo ang mag-ina nang sugurin ng biktima na may hawak na palakol ang anak. Ipinagtanggol lamang ng suspek ang kanyang sarili mula sa inang may dipe­rensiya sa pag-iisp.

Sinabi ng suspect na pinatay din ng biktima ang kanyang amang si Dionesio kamakailan at dahil dito ay ikinulong nila ang kanilang ina sa kuwarto para hindi na makapanakit pa.

Gayunman, nagawa umanong sirain ng matanda ang lock ng pintuan ng kuwarto nito at sinugod siya ng palakol kung saan nagawa niya itong ilagan hanggang sa mahagip niya ang isang kutsilyo at pinagsasaksak ang ina ng maraming beses na siyang ikinasawi ng matanda.

Kasalukuyan namang beneberipika ng mga awtoridad kung may katotohanan ang pahayag ng suspek na pinaslang ng matanda ang asawa nito.

Humihimas na ngayon ng rehas na bakal si Balbino sa Calatrava Police Station jail na nahaharap sa kasong parricide.

vuukle comment

AYON

BALBINO

BRGY

CALATRAVA

CALATRAVA POLICE STATION

CAMP CRAME

DIONESIO

EGLICERIA GUIPO

NEGROS OCCIDENTAL

SITIO PALALA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with