Lalaki natusta sa sunog

MANILA, Philippines - Natusta sa sunog ang isang lalaki matapos itong makulong sa nasusunog nilang tahanan sa Brgy. Princesa, Cebu City kamakalawa ng gabi. Kinilala ang biktima na halos nagmistulang uling ang bangkay na  si Domingo Gasakan, residente ng Brgy. Princesa ng nasabing lungsod. Ayon kay Cebu City Fire Marshall Supt. Anderson Comar, dakong alas-10 ng gabi ng tupukin ng apoy ang tahanan ng biktima sa nasabing lugar. Sa pahayag ng mga residente sa lugar, nakarinig sila ng malakas na pagsabog at kasunod nito ay nilamon ng apoy ang buong kabahayan at nadamay ang iba pang kalapit nito kabilang ang tahanan ng biktima na pawang gawa sa mahihinang uri ng materyales.

Show comments