2 Internet hacker timbog

SAN JOSE DEL MONTE CITY, Bulacan, Philippines — Arestado ang dalawang lalaking hacker ng isang kilalang internet communication company kahapon matapos na maaktuhang nagkakabit sa isang bahay ng walang awtorisasyon sa naturang kompanya.

Kinilala ng pulisya ang dalawang suspek na sina Jose Noel Domingo 29, computer technician at residente ng Brgy. San Gabriel sa bayan ng Sta. Maria at Jayson Melgarejo 36, Globe sales agent, nakatira sa Brgy. Bunlo sa bayan ng Bocaue.

Ayon sa ulat ni P/Supt.Rodolfo Hernandez dakong alas 12:20 ng hapon ay namataan ng mga kagawad ng Bantay Kable oper­atives ng Globe Telecom ang 2 suspek na illegal na nagkakabit ng Globe Tattoo Internet Connection sa bahay ni Goldilock Hugies-Joven sa Brgy. San Rafael 1. 

Show comments