Magsasaka dinedo sa school

CAMP SIMEON OLA, Legazpi City, Philippines — Nagimbal ang mga estudyante matapos na masaksihan ang pamamaril at pagpatay ng mga rebeldeng New People’s Army sa isang 36-anyos na magsasaka sa likuran ng kanilang paaralan sa Barangay Cantorna sa bayan ng Monreal, Masbate kamakalawa ng umaga. Nakilala ng pulisya ang napaslang na si Ruby Razo na sinasabing dinukot muna sa kanyang tahanan saka niratrat sa likurang bahagi ng Cantoma Elementary School kung saan nasaksihan naman ng walong mag-aaral. Pinaniniwalaang hindi nagbibigay ng buwis ang magsasaka sa mga rebelde kaya naganap ang pamamaslang.

Show comments