Ex-bodyguard ng mayor itinumba

BATANGAS ,Philippines  – Kamatayan ang sumalubong sa isang 49-anyos na dating bodyguard ng mayor matapos pagbabarilin ng hindi pa kilalang kalalakihan sa Lipa City, Batangas kahapon ng umaga. Kinilala ni P/Supt. Ale­xander Mariano, hepe ng Lipa City PNP ang napaslang na si Alfredo Lumbre ng Kalipulako Street, Barangay 8, Lipa  City at dating close-in bodyguard ni Lipa City Mayor Meynard Sabili. Sa police report, kapapasok pa lamang sa garahe sa bahay ni Lumbre lulan ng jeep nang lapitan at ratratin ng motorcycle-riding gunmen.

Show comments