^

Probinsiya

Ina, 2 anak minasaker ng houseboy

-

CAMP VICENTE LIM, Laguna ,Philippines  – Brutal na kamatayan ang sinapit ng mag-iina matapos pagtatagain at saksakin ng kanilang houseboy sa Barangay Segunda Pulo sa bayan ng Lumban, Laguna kahapon ng madaling-araw.

Kinilala ni P/Senior Supt. Gilbert Cruz, Laguna PNP director ang mga napaslang na sina Dolor Joven Olarte, 39; Kemp,13; at Arvie Olarte, 9, pawang nakatira sa General Luna Street sa nasabing barangay.

Sa follow-up operation ng pulisya ay nadakma sa bayan ng Sta. Cruz, Laguna, ang suspek na si Alex Pereja, houseboy na sinasabing namataang tumatakbong palabas sa tahanan ng pamilya Olarte.

Sa police report, bandang alas-9 ng umaga, nagtataka ang ina ni Dolor na umuwi mula sa palengke kung bakit hindi pa nagbubukas ng tindahan ang kanyang anak.

Gayon pa man, pagpasok sa bahay, nagimbal ang matanda nang makita ang kanyang anak at dalawang apo na naliligo na sa sariling dugo habang nakahandusay sa kanilang kama sa may sala ng bahay.

Pinaniniwalaang naga­nap ang masaker sa pagitan ng alas-2 hanggang alas-4 ng madaling-araw matapos na pasukin ng suspek ang kuwarto ng pamilya Olarte. Ang ama ng mga bata ay nagtatrabaho sa ibang bansa.

Ayon kay P/Inspector Jaylet Castillejo, hepe ng Lumban PNP, posibleng robbery ang motibo sa krimen dahil sa niransak ng suspek ang buong kabahayan ng pamilya Olarte.

vuukle comment

ALEX PEREJA

ARVIE OLARTE

BARANGAY SEGUNDA PULO

DOLOR JOVEN OLARTE

GENERAL LUNA STREET

GILBERT CRUZ

INSPECTOR JAYLET CASTILLEJO

LUMBAN

OLARTE

SENIOR SUPT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with