^

Probinsiya

Trader kritikal sa ambush

- Joy Cantos -

MANILA, Philippines - Nasa kritikal na kondis­yon ngayon ang isang 56-anyos na negosyante matapos itong paulanan ng bala ng motorcycle riding in tandem sa kahabaan ng Maharlika highway. Brgy. San Vicente, San Pablo City, Laguna kamakalawa ng hapon.

Sa text message kinilala ni San Pablo City Police Director P/Supt. Ferdinand de Castro ang biktima na si Ramon Preza na nagtamo ng malubhang tama ng bala sa kaliwang bahagi ng tiyan.

Bandang alas-4:30 ng hapon ng maitala ang pananambang sa biktima habang minamaneho nito ang kaniyang Nissan Na­varra (ZRS-563) patungong Tiaong, Quezon nang buntutan ng dalawang lalaking magkaangkas sa kulay pula at itim na motorsiklong hindi nakuha ang plaka.

Pagsapit sa lugar ay agad na pinagbabaril ng mga suspek ang behikulo ng biktima saka mabilis na tumakas.

Sa kabila ng sugatan at nahihilo sa tinamong tama ng bala sa katawan ay nagawa pang imaneho ng biktima ang kaniyang behikulo sa Liwag Medical Clinic sa Tiaong, Quezon.

Gayunman, dahilan sa maselan nitong kalagayan ay inilipat ang biktima sa San Pablo City Medical Center kung saan patuloy na isinasalba ang buhay nito.

Patuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad sa motibo ng pamamaril sa nasabing negosyante.

BANDANG

LIWAG MEDICAL CLINIC

NISSAN NA

QUEZON

RAMON PREZA

SAN PABLO CITY

SAN PABLO CITY MEDICAL CENTER

SAN PABLO CITY POLICE DIRECTOR P

SAN VICENTE

TIAONG

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with