^

Probinsiya

3 naagnas na bangkay natagpuan

-

BULACAN, Philippines – Tatlong naagnas na bangkay ng lalaki na may nakataling lubid sa leeg at nakasilid sa kulay itim na plastic bag ng basura ang natagpuan sa bakanteng lote sa Cita Roma Ville sa Barangay Gaya-Gaya sa San Jose del Monte City, Bulacan kahapon ng umaga. Sa ulat ni P/Supt. Rodolfo Hernandez, hepe ng San Jose del Monte PNP, na isinumite kay P/Senior Supt. Fernando Mendez Jr. Bulacan PNP director, dakong alas- 5:20 ng umaga nang magulantang ang mga residente sa pagkakadiskubre sa mga bangkay malapit sa hangganan ng Caloocan City. Ang mga bangkay na may mga tattoo na Sputnik Gang ay nakasilid sa garbage bag na lalagyan ng basura na inabandona sa bakanteng lote. Nagtungo naman sa lugar ang mga tauhan ng Scene of the Crime Operatives (SOCO) para suriin ang pagkakatagpo sa mga salvage victims na pinagpipiyestahan na ng mga bangaw. Sa pahayag ng mga residente nanakit ang kanilang tiyan sa masangsang na amoy na nagmumula sa nasabing lugar na pinagtapunan sa mga bangkay na iniwan pa ang isang motorsiklo na may plakang UI6643. Sa beripikasyon ng pulisya ay nakarehistro sa Marikina City ang may-ari ng motorsiklo. Boy Cruz, Dino Balabo at Joy Cantos

BARANGAY GAYA-GAYA

BOY CRUZ

CALOOCAN CITY

CITA ROMA VILLE

DINO BALABO

FERNANDO MENDEZ JR. BULACAN

JOY CANTOS

MARIKINA CITY

SAN JOSE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with