3 holdaper patay sa shootout
MANILA, Philippines - Tatlong notoryus na miyembro ng robbery/holdup gang ang iniulat na napaslang matapos na makipagbarilan sa mga operatiba ng pulisya sa bahagi ng Muñoz Science City of Nueva Ecija noong Martes ng gabi.
Kabilang sa mga napaslang ay sina Richard Rodillas, lider ng grupo; Jeffrey Ruz at si Arnulfo Dural na pawang nakatira sa bayan ng Sto. Domingo.??
Sa ulat ni P/Supt. Pedro Solica, hepe ng Muñoz Science City PNP, nakasagupa ng pulisya ang armadong grupo dakong alas-9:50 ng gabi matapos mangholdap sa cell phone repair shop at Internet shop sa pamilihang bayan.??
Nagpaputok ng baril ang mga kawatan nang hablutin nito ang bag ng may-ari ng Internet shop na si Roderick Apino kaya naalarma ang pulisya.?
Dito tumakas ang mga holdaper lulan ng motorsiklong walang plaka habang nagsagawa naman ang pulisya ng checkpoint sa mga kalsada.
Sumiklab ang 10-minutong habulan at palitan ng putok hanggang bumulagta ang tatlo. ? ?
Narekober sa crime scene ang tatlong baril at motorsiklo, bag ni Apino, tatlong cell phones at iba pa.
- Latest
- Trending




















