Most wanted grabe sa shootout

BULACAN, Philippines - Kasaluku­yang nakikipaglaban kay kamatayan ang isang wanted sa batas makaraang maki­pagbarilan sa mga pulis na tumutugis na ikinasugat ng tatlong pulis kamakalawa ng hapon sa San Jsoe Del Monte City, Bulacan.

Kasalukuyang ginagamot sa Sapang Palay District Hospital ang tatlong pulis na mga tauhan ni P/Senior Supt. Fernando Mendez Jr., provincial PNP director.

Nagtamo naman ng da­lawang tama ng bala ng ba­ril sa likuran at ngayon ay inoobserbahan sa East Avenue Medical Center ang suspek na si Daniel Villamor, 26, ng Paradise 1, Brgy.Tungko Mangga sa Jose Del Monte City.

Base sa ulat ni P/Supt. Fitz Macariola ng Provincial Public Safety Company, namataan ang suspek sa bahagi ng Brgy.Tungko Mangga na may dalawang warrant of arrest na ipinalabas ni Judge Aznar Lindayag ng 3rd Judicial Court sa mga kasong kriminal.

Kaagad na sinubaybayan ng pulisya subalit nakatunog kaya pinaharurot ng suspek ang kanyang motorsiklo kung saan nauwi sa shootout.

Bagama’t sugatan ang suspek ay nagawa pa nitong lumaban sa mga pulisya habang inaaresto ngunit nagapi rin kinalaunan.

Show comments