Gasolinahan hinoldap

BULACAN, Philippines – Isa na namang gasolinahan ang hinoldap ng dalawang armadong kalalakihan na lulan ng motorsiklo kahapon ng madaling-araw sa Barangay Tikay sa Malolos City, Bulacan. Tangay ng mga holdaper ang dalawang cellphone at P6,000 na kinita ng gasolinahan. Lumilitaw na nagpakarga ng gasolina ang isa na lulan ng motorsiklo habang ang isa naman ay tinungo ang kinaroroonan ng supervisor na si Christian Hermano. Dito na nagdeklara ng holdap ang dalawa saka tumakas patungo sa direksyon ng bayan ng Guiguinto. Nabatid na walang security guard na nakatalaga sa gasolinahan at maging ang cctv camera ay hindi gumagana. 

Show comments