Guro nanakit ng estudyante

SAN FRANCISCO, QUEZON, Philippines  — Isang guro sa pampublikong paaralan ang inireklamo ng pananakit sa kaniyang 8 anyos na mag-aaral dahil umano sa kaingayan ng bata habang nasa loob ng kanilang paaralan sa Brgy.Poblacion, kamakalawa ng umaga. Pinadalhan na ng imbitasyon ng pulisya ang inirereklamong guro na si Niña Zano, 30 ng Purok 6, Brgy. Poblacion upang imbestigahan at kunin ang kanyang panig, habang dahil sa trauma ay hindi na pumasok sa eskwelahan ang biktimang si Ryza, hindi tunay na pangalan. Batay sa imbestigasyon ni PO3 Levy Alvazan ng Womens and Children Desk Section, dakong alas-10 ng umaga habang nagtuturo ang nasa­bing guro ay sinaway niya ang biktima dahil sa kaingayan nito. Ilang saglit pa nang muling mag-ingay ang bata ay binato ito ng plastic container ng guro na tinamaan sa noo.

Show comments