Auditing office binomba

MANILA, Philippines - Binalot ng matinding tensiyon ang mga kawani ng auditing office ng Cotabato provincial satellite makaraang sumabog sa panibagong paghahasik ng lagim ng mga rebeldeng Moro Islamic Li­beration Front sa Kidapawan City, North Cotabato kahapon ng umaga.

Naitala ang pagsabog dakong alas-8:20 ng umaga sa kahabaan ng national highway sa harapan mismo ng nabanggit na opisina na may ilang metro lamang sa North Cotabato Provincial Police Office.

Wala namang naiulat na nasugatan o nasawi sa naganap na pagsabog kung saan narekober ang tail pin at shrapnel ng 60mm mortar, ilang bahagi ng cell phone. Patuloy naman ang imbestigasyon ng pulisya.

Show comments