28 tiklo sa cybersex den

CAVITE, Philippines – Aabot sa 28-katao ang dinakma ng mga awtoridad makaraang salakayin ang cybersex den sa bahagi ng Aguinaldo Highway sa bayan ng Imus, Cavite, ayon sa pulisya. Sa bisa ng search warrant, sinalakay ng pangkat ni P/Supt. Randy Peralta ang computer shop na pag-aari ni Richard Freira Tagala, 34. Ayon sa police report, walang kaukulang permiso ang computer shop sa ikalawang palapag ng gusali na sinasabing ginagamit bilang cybersex den. Nasamsam ang ilang yunit ng computer at mga materyales na ginagamit sa cybersex habang pormal naman kakasuhan ang may-ari ng nasa­bing shop. 

Show comments