Kalinga governor kinasuhan sa DOJ
MANILA, Philippines - Sinampahan na ng kasong sedisyon sa Department of Justice (DoJ) ng kampo ni DZRK Radyo ng Bayan anchor Jerome Tabanganay si Kalinga Gov. Jocel Baac na nasangkot sa pangsusungalngal sa nguso nito ng mikropono noong unang bahagi ng buwang ito.
Ang nasabing isyu ay umani ng kontrobersya at pagbatikos laban kay Baac matapos makita sa live streaming ng nasabing himpilan ang aktong pag-atake ng opisyal laban sa mamamahayag habang ito ay nagpro-programa.
Pero nilinaw ni Tabanganay na testigo lamang siya sa naturang kaso dahil ang main complainant ay ang National Press Club (NPC).
Ipinagpasalamat naman ni Tabanganay ang buong suporta ng mga grupo ng media sa kaniyang ipinaglalaban, lalo’t posible umanong maulit din ito sa iba pang mamamahayag kung pababayaan na lamang.
Ang nasabing radio anchor ay kasalukuyang naka-bakasyon sa kanyang trabaho dahil sa dami ng pagbabantang natatanggap mula sa iba’t ibang personalidad mula ng maganap ang insidente.
Magugunita na noong Hunyo 7 ay sinugod ng gobernador ang nasabing himpilan matapos mamonitor sa radio na binabanatan siya ni Tabanganay na naaktuhan nito na nauwi sa pananakit sa nasabing anchorman.
- Latest
- Trending