P20M ari-arian naabo

QUEZON, Philippines – Nilamon ng apoy ang labintatlong kabahayan sa naganap na sunog kahapon ng madaling-araw sa J.P Rizal Street sa Barangay 2 sa bayan ng Calauag, Quezon. Ayon sa pulisya, aabot sa 33-pamilya ang nawalan ng tirahan sa nasabing sunog na ayon sa mga tauhan ng BFP Calauag ay tinatayang aabot sa P20 milyon halaga ng ari-arian ang naabo. Wala namang iniulat na nasaktan o nasawi sa sunog na tumagal ng mahigit sa isang oras at hanggang sa kasalukuyan ay inaalam pa ang pinagmulan ng apoy.

Show comments