^

Probinsiya

Tiyuhin ni DoJ Sec. de Lima, natagpuang patay

- Joy Cantos -

MANILA, Philippines - Umaalingasaw na ang masangsang na amoy nang matagpuan ang nagsisimulang maagnas na bangkay ng 59-anyos na tiyuhin ni Justice Secretary Leila de Lima sa Barangay Agustin sa Iriga City, Camarines Sur noong Lunes.

Sa police report na nakarating kahapon sa Camp Crame, ikinabalisa ng mga kapitbahay ni Francisco de Lima ang ilang araw na pananahimik nito at hindi paglabas ng bahay.

Pumukaw din sa atensyon ng mga residente ang mabahong amoy na nagmumula sa tahanan ni de Lima.?

Dito nagpasya ang mga residente na ipagbigay-alam sa awtoridad ang amoy at pagkawala ng matanda na napag-aalamang mag-isang namumuhay.??

Sa pagpasok sa taha­nan, nadiskubre ang bangkay ni Francisco na pinaniniwalaang ilang araw nang patay.

Sinasabing dumaranas ng sakit na diabetes ang biktima na huling namataang buhay noong Hunyo 12.??

Sa imbestigasyon ng Iriga City PNP, wala namang nakitang foul play sa pagkamatay ni de Lima.

vuukle comment

BARANGAY AGUSTIN

CAMARINES SUR

CAMP CRAME

DITO

HUNYO

IRIGA CITY

JUSTICE SECRETARY LEILA

PUMUKAW

SINASABING

UMAALINGASAW

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with